1/18/08

Ganun na nga yun.

Haaaay.. Eto na naman ako.. ^___^
magsusulat ako sa blog ko. Weeee.
Pero di masyadong masaya..

Kahapon..May nakaaway ako..
Sa text... Kasi di ko matanggap sinabi..
sinabi ko yung sikreto ko sa kanya..
hindi para mahusgahan.. kundi para i-keep niya..

Asus.Lalake pa siya ha.
namamatol ng babae. Pero yun nga..
di na ako paparamdam sa kanya kahit kelan..
sayang ang friendship.. wala na..
ayaw ko na kasi.. although nag-sorry-han
na kami.. pero di pa rin sapat yun..
kung tutuusin naman kasi..
mas maliit na bagay yung nasabi ko..
kesa sa nasabi niya.. at mas masakit yun..
Di ko na ikwekwento
yung talagang nangyari..
gusto ko lang i-share yung nararamdaman
ko sa nangyari.. Ayaw kong maging pangit ang 2008 ko..
kaya better.. wag na lang.. iskandalo..
haha. pero ok naman na so.. yung nangyari na lang kanina
ang kwento ko..
HAHA.


Tapos na ang prelims exam namin..
at YEY! mataas nakuha ko sa chemistry sana
consistent hanggang finals.. wooooo.
tapos na din akong nagtest sa Rizal.
Kanina lang.. mahabang kwento bat di ako
nakasabay sa mga classmates ko.wahaha.
at nakakahiya... Oh yun.. essay ba naman ang test ko!?
at 60 points.. haha. KOMPORME na sinulat ko..
basta may prelims lang ako ^^ hihi.


Tapos nagyon naman wala kaming SOT.
saya! pero full load mamaya.. hanggang gabi kami..
Chemistry.. Ok lang.. Si sir toots naman yun eh.hahahahaha!



Sige sige. next time ule. bye! :D

Labels: , , ,

6/12/07

Ang gulo.

"Hirap ngumiti kung di ka makangiti.
hirap tumawa.. kung nalulungkot ka naman.
Hirap magpanggap na walang nangyari.
mahirap.. mahirap pigilan ang luha."


Sh*t! Makata na ba ako? hahahaha. ^_^
kakatuwa naman. anu bang nangyayari sa akin? HAHA.
Ang drama. akin na lang yun, nakakailang ikwento. hehe.
T___T okay lang ako, okay lang talaga.Sayang. wala na.
oh well.. anyway.. that's life..

tama na nga to.. di ako sanay..
hehe. kwento ko na lang nangyari sa akin..
sa mga nakaraang araw.. ok ba? hehe.
sana may magbasa..
okay.. friday.. start na ng orientation.
Hmm. Kinakabahan ako. OMG. haha.
panu na to? maaga akong nagising.
para di ma-late. sa kasamaang palad. mas nauna pa yung mga kasama
ko.. haaay,. nahihiya tuloy ako. hehe.
buti na lang.. nagtabi tabi pa rin kami. ^___^
kwentuhan.. tawanan.. habang nasa GYMnasium. hehe.
ayun... ang daming in-orient sa amin.. about sa school.. & the like..
ang inet.. ang chorba..
haha. team building activities nung tanghali..
hehe. masaya naman. nagpapakilala..
grabe section seven kasi sila Jeng at Pau..
wala ako kasama sa section ko.
haaaay... buti wala anu mang nangyaring kahihiyan. hehe.

Okay. second day.. late ako. haha.
buti may upuan pa.
in-orient naman nila yung mga
orgs na pwedeng salihan..
boring.., may mga nagperform..
chorba,, then uwi na. haha,.

Ngayon naman.. haha. pasukan na.
nahihiya ako magpakita sa tao ng naka-uniform ako. nakakailang.
nakakatanda ang uniform. =D affffuuu...
haha. heels.. dalaga na! nyahahaha.

SUS. buti may mga kaibigan na ako dun.
sana maging masaya college life ko sa susunod pang mga araw..

Weeee...

ang saya ko noh? pero hindi may kalungkutan din akong nadarama.
wahaha. ang korny.. pero totoo.. may nangyari kasi,,
too personal haha..

hmmm... eto muna sa ngayon.

ciao.//

Labels: , , ,

6/6/07

Randomness

Wish ko sana may bago na kaming
computer! :)) Kailan pa kaya!? Wala pa
kasing pera. Para sana mapaganda ko tong blog ko.
HEHE.

Anyway,. Pinangangatawanan ko na ang
pagiging Superr, Errr.. Piggy ko. HAHA.
Oink! Ooops. Excuse me. ;)
Grabe. Dami ko ng kinakain. haha.
Mag-diet na nga ako. hahahaha.
Pag pumayat na ako. PALAKA naman na ako.
KOKAK. hikhikhik. :)) BEH.


Ohhh. Ayan. Picture nung youth fellowship last friday. =D
Na post na sa wakas.



♥Grace.Tope.Deb.♥












<<<-------Grace&&Deb.♥





















<<<-----Ate Ruth & Deb.♥


♥♥KAKALOKA. may singit. sino kaya yun? Err.

My wish pala ako. sana mawala na virus sa phone ko. ayy het it. huhu. :(

Nga pala. Weeeee. June 6 ngayon.

Birthday ni tita Nette.

Happy Birthday. I love You,. Wag na mention ang age. hehehe.

Ciao for now. :)

Labels: , ,

5/31/07

Brownout atbp.. XD

Ayos. makakapag-update na naman ako. XD haha.
Ma-ikwekwento ko ang nangyari kahapon. ^__^

sisimulan ko na. ;)

Agghh. Buti nagising ako ng medyo maaga!
amf! ang init kasi.. brownout pala.**pawis tulo.. XD
tapos di pa nag-alarm phone ko.. battery empty!
kamusta naman yun? ehh.. wala akong pagcontact!
T___T

may usapan kasi kami ni Steph(Bestfriend ko)..
na maglakwatsa! haha. meeting place: School.
Time: 8 o'clock.. pero 7 o'clock pa lang.andun
na siya. kamusta naman yun? 7:30 ako nagising..
8 na ako naligo.. mga mag-9 na ako umalis.. hahaha.
kahit kelan talaga! LATE ako.

Pagdating ko ng school.. Hinanap ko siya sa may
gate.. WALA.. pero di na ako pumasok a loob..
hahaha. tamad-era.. So yun.. pumunta ako sa pinsan ko..
naki-text.. yun pala.. nasa loob siya ng school..
pumunta ulit ako.. (oops.. ubos na ata pera ko sa pamasahe..)
sa wakas nagkita kami..

walang mapuntahan..
pumunta kami sa mall... este MOL.. oo MOL..
haha. ang liit ng MOL dito sa tuguegarao. XD
at sa kasamaang palad.. close pa!! ayaw naman
namin magtambay sa harap ng mall noh..
makita pa kami ng mga crushes namin. bohahhaha.
buti nalang bukas yung likuran nila.. duon kami pumasok..
ayos! medyo malamig.. haha.
lakad dito lakad duon.. pero di pa kami pagod..


next destination::: sa may photocity..
kukunin ang picture ni Tep.
dumating nanay niya.. hehe.

kami ng tatlo ang maglalakwatsa! ^__^

Punta kami.. sa veterinarian..
sa NOVO.. bibili ng gamit ni Tep..
naghanap ng kainan..

Mcdo: Aww. PUNO..
Jabee: Mas madaming tao.. Amf!
Greenwich: daming nakatayo. amf ulit..
Chowking: walang upuan!

saan na kami ngayon? haha.
Yeah... Cindy's! haha.
sa wakas.. nakakain kami..
pero swear,. ang init talaga. GRABEE.
at least busog.. haha. burp na burp!!

next punta sa mart one..
haha. bili na naman sila tep..
mamatay ata kami sa init..

whooo.. umalis na mama ni Tep.
kami na lang. puntang Paseo.. haha.
tingin tingin.. may muntik pa kaming nakaaway..
hahaha. binangga ba naman kami.. ansama pa ng tingin.
whooo.. hahahah.
kakapagod..

pumunta na kaming mcdo..
green apol flot ang trip..
di pala pwede na solo lang.,
what the!?!

coke float na lang..
nagpalamig.. haaay.
natuyo din pawis namin..

next: palengke..

bumili ng tali ng aso..haha.
sinamahan si Tep bumili ng karne ng kalabaw.(pang-tapa)..
at kinuha ang tshirt ng kapatid..
pumunta sa ukay-ukay! haha,
nag-try ng boots.. wheeee...


OH YUN.. kakapagod.. ^__^
pero masaya..
ang malungkot nga lang eh..
walang pics.. kasi battery empty ako. T__T
haaay.

at 7 o'clock kagabi.. nag-kailaw na..
buti naman.. haha..


//DEB

Labels: ,

5/14/07

Sa pag-uwi......

ayun. grabe ang hirap magbiyahe.
halu-halo ang nararamdaman. Tsssk.
HAHA. Bakit pa kasi BUS. lagi na lang bUs!
Airplane na lang sana kaso walang pera. =D
Haaay.
Habang nagpapareserve at hinihintay
ang bus para masakyan sa victory liner.
naka-upo ako dun. ng biglang may babaeng
nag-pass by sa harapan ko.
Sinoooo yun? waaaa! Stephanie! HAHA.
Nagkasabay pa ayos. BWahaha.
ang saya. at pareho pa kami ng time na
aalis. Nice one. =D

Ng nakauwi na sa tugue.
natulog na ako maghapon. pagod, pagod pagod.
Zzzzzz! HAHA. at hanggang ngayon nahihilo pa. =D



♥Deb

Labels: ,

5/2/07

Teentalk. =)

SUBJECT: Teentalk
Username: purple_lover
No. of Post: 1014 (& counting)
Rank: Cotton Candy
Date Registered: September 15, 2004, 4:18:55 AM
I've been to teentalk for 2 years and a half. ;) i'll be
celebrating may 3rd year on teentalk this september! YEY.
i'm such an oldie. but not that active. lol
pero i'm enjoying my stay there and meet new friends
from other places! ang saya nga eh.. dami ko ng
mga bagong kaibigan.. at nakakasaya ng loob.
may mga ate, kuya kabatch.. and the like..
hehehe.. kwento kwento ng mga buhay buhay..
kung anu ginawa sa araw na yun.. oh di'ba?
parang na-meet mo na sila ng personal!
thread hopping dito.. duon..
at kung san san pa! kung anu-anong
topics, debate.. nakaka wala ng kaBORINGAN. =))
lalo na ngayong summer.HAHA.
so? Register na kayo! KAso crowded na dun eh..
Awww. POLUSYON! Ang sikip na sa teentalk.
Waaa. Pero enjoy pa rin. =)
Yun lang.. hahahahaha.
i so LOVE teentalk. teentalkers rule. :P



Munchies love,
♥deb

Labels: , ,

3/19/07

La Lang.

Ladies & Gentlemen.

Nyahahah! Panuorin niyo ang mga bukod tanging si CARA at DEBORAH.



Salamat sa Nanuod at di nanuod at tinigan lamang ito.
Bow.


Munchies Love,
♥Deb

Labels: , ,

3/16/07

Wala akong Masabi.

Haaay nakoh.
Summer na. Graduation na. Yuuuhoo.
Wala ng ginagawa sa school.
Pichu-pichure, tawanan, kwentuhan, at KABORINGAN.
Asar! Ang Boring kanina. Hmf. Walang kwenta..
Stolen shot ko mga classmates ko. Nyahaha..
Pero onti lang.. Gagawa kasi ako/kami ng site ng IV-Nickel.
Para masaya naman noh. Hihi..
AHm.. Oh yun, kanina eh sa wla na kaming magawa
nag-yayaan kami na magwalay.. eh hinihintay namin
sila ayaw pa nila umalis.. may hinihintay pa daw kasi!
korny nila. mga KJ. Buseeet! Kabanas talaga.
kami na nga ni Sah ang gumagawa ng paraan para
may bonding kaming mga girls eh...
haaay. Buti pa ang boys namin may
pagkakaisa... EVer since talaga ang
dami ng KJ sa room.Whoo.
at salamat naman at may i-papaprint na kaming
t-shirt namin. na ang logo gawa ni Zu(special mention)haha,,
Bukas post ko itsura nung logo. hehe. Cuuuutee.
Tama na nga 'to. Oh eto pa...
Anyway,feeling gitarista naman daw ako kanina
pag-alis ng bahay.. hawak ko gitara ko!hehehe,,
di naman ako marunong,, pero inaaral ko na..
kakaririn ko 'to! Gusto ko kasi matutunan e..


Cge, to na muna masasabi ko ngayon.. hahahaha.
BABUSH. Mwah.

Love,
Deb,Ü

Labels: , ,