5/5/07

Nakakainis na araw.

Haaay. Pag-gising ko pa lang
kaninang umaga.. Akala ko
Friday ngayon.. Sabado na
pala.. Ang bilis naman..
Haaay..
Nawawalan naman ako
ng ganang mag-internet..
Nagpabili ako kanina
ng Adobe Photoshop na pirated..
Excited naman akong
i-install.. Pero may message
na hindi raw ma-detect yung
program ng Photoshop! Panu yun.
Ampness.. Di ko alam! Di ko tuloy ma-install!! :((
So yun.. Hinahanap ko yung cellphone ko..
Nandun pala kay mama..
Tapos sabi niya.. May nabasa siya,.
NAIRITA ako. Anu ba yan! Walang Privacy!
Yun nga ang pinakaayaw ko eh! Nakakabwisit!
As in nagalit talaga ako..
Na sa galit ko hinahanap ko yung settings para
lagyan ng code.. enter ako ng enter ng
code! tapos na-block! Waaaah! di ko alam yung code.T__T
In-off ko kala ko kasi pag i-off mawawala yun,
pero HINDI. Waaaah! Panu na yan.
Try ako ng try ng mga code pero mali pa rin
hanggang sa na-PUK. Huhu.T__T
Umiyak ako kasi andun lahat ng contacts ko and all..
Pero wala na. Nasa Tuguegarao
yung PUK code.. At hindi ko alam kung saan nakalagay.
Di ko nga din alam kung meron pa yun.
Paano na? T___T
Tri-ny ko suncell sim ko
pero may lock code pa rin! Di ko alam.
Nakalimutan ko na. Nakakainis. HUHU.
Pede bang ipaayos sa Globe?? Sana pwede noh.
Di ko alam kung kanino ako magagalit.
pero hanggang ngayon NAIINIS talaga ako.
Naiinis talaga akoooo! Waaaaaa!!
Di ko magamit phone ko! one way na nga yun para
di maboring nawala pa.. Anung klaseng buhay..
Updates na lang nextime. T_T



♥love,
Deb.

Labels: ,

5/2/07

Teentalk. =)

SUBJECT: Teentalk
Username: purple_lover
No. of Post: 1014 (& counting)
Rank: Cotton Candy
Date Registered: September 15, 2004, 4:18:55 AM
I've been to teentalk for 2 years and a half. ;) i'll be
celebrating may 3rd year on teentalk this september! YEY.
i'm such an oldie. but not that active. lol
pero i'm enjoying my stay there and meet new friends
from other places! ang saya nga eh.. dami ko ng
mga bagong kaibigan.. at nakakasaya ng loob.
may mga ate, kuya kabatch.. and the like..
hehehe.. kwento kwento ng mga buhay buhay..
kung anu ginawa sa araw na yun.. oh di'ba?
parang na-meet mo na sila ng personal!
thread hopping dito.. duon..
at kung san san pa! kung anu-anong
topics, debate.. nakaka wala ng kaBORINGAN. =))
lalo na ngayong summer.HAHA.
so? Register na kayo! KAso crowded na dun eh..
Awww. POLUSYON! Ang sikip na sa teentalk.
Waaa. Pero enjoy pa rin. =)
Yun lang.. hahahahaha.
i so LOVE teentalk. teentalkers rule. :P



Munchies love,
♥deb

Labels: , ,

5/1/07

Walay walay..

Soww, ayun.
kahapon kinuha ko na ang "ineexpect" ko na cellphone..
habang biyahe from cavite to manila..
nasa isip ko--yey meron na ako n70!
sows!! ayun andun na kami sa ermita police station five,
kung san nagshooting sila toni
gonzaga at sam milby ng you got me..
andun pa yung ginamit ni toni na
sasakyan.. yung RED. lol
anyway..
binigay na ang aking Nokia 6670.
Huwaaaaat??? NAKA-NG!! Oo. 6670! hahahaha..
eto oh..

oh well.. hahaha.. ika nga "be thankful & be contended of what you have"..
kaya natuwa na din ako.. ang babaw ko eh.. wahhaha..
problema.. etong cellphone ko..walang usb.. so?? panu ako
makatransfer ng files? kaya yun. nagpabili ako ng blutooth.. hehe..
pero di pa ngayon., hmmm.
after that.. punta na kaming divisoria..
tingin dito, tingin doon! lakad dito lakad duon!
sa wakas may nakita ako..



skinny jeans!! hehe. gusto ko to kaya ayun. pinabili ko.
350php lang. kaya mura na.. magagamit naman eh..
kesa branded.. doble ang presyo..lol.

ngayon naman binili ko na
ang aking bluetooth.. excited ako eh..
bwahaha! pumunta na naman akong Es-Em
mag-isa.. at ang daming tao,,hahaha.
wala lang.. window shopping tapos
binili ko na ang pakay ko..
den umuwi na.. lol!


anu ba yan..
eto pala bluetooth ko weeeee!!



haaayy.. ang GaSTOS ko. huhuhu.
anyway.. till here na lang..



Munchies Love,
♥deb

Labels:

4/29/07

strangerr-er

"Ang sakit ng paa ko"
yan ang pa-ulit ulit kong sinasabi sa isipan ko kanina! Haahaayz.
Hehe. Bakit? Kasi masakit sa paa yung bago kong flats. ^_^
Awww. Pumunta ako kanina sa Es-Em para bumili ng tshirt ni zu na dapat nung
december pa! at kung anu-ano pa. Haha.
At take note. Mag-isa ko lang. Siguro kung susukatin sa Tuguegarao.
Consuelo hanggang Citimall. Hehe. Pero ok lang kasi isang daanan lang at
madaling tandaan ang mga daan dito.(sa cavite)..
Ang mahal ng pamasahe. 12php! hmmp! tapos tricy eh bente. magastos.
hehe. di ko naman msyado enjoy kasi naman mag-isa ko lang
sa es-em. para akong eng-eng! HAHAHA. tapos ang sakit pa ng paa ko.
kaya bumili ako ng band aid sa watson. pero hindi ko kasi alam
kung saan yung mga band aid kaya nagtanong ako sa isang sales-lady.
AKO: asan po yung mga band aid dito?? (smile pa ako)
BABAE: (iritado)Di ko lam! tanongin mo dun! (pointing at the saleslady)
Hahahaha. hindi pala siya ang saleslady. nainis siguro sa akin yun.
mukha kasing uniform ng saleslady damit niya. heheh. jok!
Sa kakalibot sa es-Em, napagod ako at gusto ko ng umuwi.
pagpunta sa may paradahan wala ako nakitang papuntang "tejero".
kinabahan ako kaya tumawid ako dun sa may robinsons at duon may nakita akong
jeep. YEY. nakabili na ako ng tshirt niya.
at school supplies ko. hehe.
pero kakaunti lang. wuhu. oh well,
Watta Tiring day!

love,
debÜ

Labels: , ,